rock on! rock more if you'll chew on this guys..
if alam nyo kung anong name nung pari, pakicomment nlng thanks..
baka makasuhan ako ng plagiarism nyaha...
PINAKAMAMAHAL KONG ANAK
Sa aking PAGTANDA
UNAWAIN mo sana ako at PAGPASENSYAHAN.
Kpag dala ng
KALABUAN NG MATA ay nkabasag ako ng pinggan
o NAKATAPON ng sabaw sa hapag kainan.
Anak,huwag mo sana akong KAGAGALITAN.
MARAMDAMIN ang isang matanda.
Nagse-SELF PITY ako tuwing SISIGAWAN mo
ako.
Kpag MAHINA na ang TENGA ko
at hindi ko MAINTINDIHAN ang sinasabi mo,
huwag mo nman akong tatawaging "BINGE!"
PAKIULIT nlng ang sinabi mo anak
o di kaya ay PAKISULAT nlng.
Pasensya ka na,anak.
MATANDA n talaga ako.
Kpag MAHINA n ang TUHOD ko,
PAGTIYAGAAN mo sana ako at TULUNGANG tumayo,
katulad ng PAG-ALALAY ko sa iyo
noong nag-aaral ka p lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako
kung ako man ay nagiging MAKULIT
at PAULIT-ULIT n para bagang sirang plaka.
Basta anak,PAKINGGAN mo nalang ako.
Huwag mo sana akong PAGTATAWANAN o
PAGSASAWAANG pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo,
paulit-ulit mo yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit
hangga't hindi mo nkukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking
AMOY.
Amoy MATANDA, Amoy LUPA.
Huwag mo sana akong PILITING maligo.
MAHINA n ang KATAWAN ko.
Madaling MAGKASAKIT kapag nalamigan,
huwag mo sana akong PANDIRIHAN.
Natatandaan mo noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng
kama
kpag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas
ako'y MASUNGIT,dala marahil ito ng
KATANDAAN.
Alam mo anak PAGTANDA mo,
MAIINTINDIHAN mo rin.
Kpag may KONTI kang PANAHON,
MAGKWENTUHAN naman tayo,khit saglit lang.
Please anak,
INIP na INIP na ako sa bahay,maghapong
NAG-IISA.
WALANG KAUSAP.
Alam kong BUSY ka sa trabaho mo,
subalit nais kong malaman mo
na SABIK na SABIK na akong MAKAKWENTUHAN ka.
khit alam kong hindi ka INTERESADO sa
mga kwento ko.
Natatandaan mo anak,
noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento
tungkol sa iyong TEDDY BEAR.
At kapag dumating ang sandali na ako'y
MAGKASAKIT at MARATAY sa banig ng
karamdaman.
Huwag mo sana akong PAGSASAWAANG alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana
kung ako man ay MAIHI o MADUMI sa higaan.
Pagtyagaan mo sana akong ALAGAAN
sa mga HULING SANDALI ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako MAGTATAGAL!
Kapag dumating ang sandali ng aking
PAGPANAW,
HAWAKAN mo sana ang aking kamay
at bigyan ako ng LAKAS NG LOOB
na harapin ang KAMATAYAN.
At huwag kang mag-alala anak,
kapag kaharap ko na ang
DIYOS NA LUMIKHA,
ibubulong ko sa kanya na
PAGPALAIN KA NIYA...
dahil naging
MAPAGMAHAL ka
sa iyong AMA'T INA.......
